Salawikaing Pilipino(Filipino proverbs)
Nasa Diyos ang awa,
nasa tao ang gawa.
Kapag ang tao'y matipid,
maraming maililigpit.
Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.
Ang hindi napagod
magtipon, walang
hinayang magtapon.
Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.
Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.
Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.
Ang gawa sa pagkabata, dala
hanggang pagtanda.
Pag di ukol, ay di bubukol.
Kung sino ang masalita
ay siyang kulang sa gawa.
Daig ng maagap ang
taong masipag.
Ako ang nagbayo ako ang nagsaing saka ng maluto'y
iba ang kumain.
Ubus-ubos biyaya, pagkatapos
nakatunganga